Wednesday, September 12, 2012

Ang Unang Keyk


Cakes are sweet, soft and exciting. They make me happy, seeing their beautiful colors, specially pastel vintagey-looking delights! Masarap silang gawin, lalo na pag nakikita mo na nagustuhan ng mga tao yung ginawa mo, bawing-bawi talaga.

Matagal ko nang gustong mag-bake. Pero paano? Saan naman ako magsisimula diba? Wala akong alam sa kusina, kundi magprito ng itlog. Nagkaroon lang ako ng oportunidad na maging malapit sa mga cupcakes nung nakapagtrabaho ko sa kaibigan ng tita ko, si Tita Mia Poblete. Laki din ng pasasalamat ko sa kanya dahil sya ang nagturo sakin kung paano at saan ginagamit yung mga basics. Kung di mo nga naman alam yung basic, paano ka matututo diba?

Sa katahimikan ng buhay ko, na nagtatrabaho sa isang baking supplies shop, Sweet Avenue, tumawag sa akin yung kaibigan ko, si Arvin Reyes. Nyie ang tawag ko sa kanya, (long story bakit) isa sa mga bestfriend ko. Pinagagawa nya ako ng isang cake na may marshmallow icing, mocha flavor at may design na Snoopy. Take note ha, "SNOOPY". Paano kaya ako gagawa ng Snoopy? Wala pa kong kaalaman sa mga cakes masyado, pero gagawa ako ng Snoopy. Naging ugali ko na yung bang gusto ko, napapasubo ako. Sumusugal kahit di ko alam. Isa naman daw yun sa magandang katangian ng business-minded people diba? Kaya sinubukan ko. May isang linggo ako para pag-aralan at talagang gawin ang Snoopy ni Nyie na ipanreregalo pa nya sa isang babae.

Sinimulan ko nang gumawa ng Snoopy. Nagsearch ako sa google paano ko didiskartehan si Snoopy. Di ako magaling magdrawing pero kahit papaano, kaya kong gumawa ng bilog, kaya sa tingin ko naman, kaya ko to. Yun nga at ginawa ko. Kinabahan ako at talagang nilakasan ko ang loob ko. Una, may perang involved dahil bibilhin ang cake na ito, na kapag nadumihan mo, mahirap nang maayos, o baka nga di mo na maayos. Pero dahil ang deadline nito ay umaga, na pipick-up sa shop, kailangan ko pa din itong gawin.


Gamit ang mga basics, nilagyan ko ng kulay ang edible gel na nabili ko sa shop na pinagtatrabahuhan ko. Gumamit ako ng black at red colors at bumili na din ako ng white and yellow sprinkles. Yun na nga at ginawa ko ng maingat ang designing sa loob ng 1 oras, at eto na ang kinalabasan.

The very first cake I did.

Honestly, naging proud ako sa kinalabasan nya. Di ko akalaing kaya ko pala. kahit mahirap, nagawa ko pa din. Nang dumating si Nyie para kunin ang cake, natuwa sya. Talagang sumaya ako ng nagustuhan nya yung hitsura ng cake. Pero syempre. iba pa din kung maganda na sa mata, masarap pa ang lasa. Kinakabahan ako, pero eto yung sinabi niya:


Diba't nakakainspire naman na may makikita at maririnig kang ganito? Kaya talagang sinimulan ko na. Hindi naman totoo yung may perfect time. Kasi kung talagang gusto mo, magagawa mo. Today is the perfect time for you to start, hindi bukas, hindi sa susunod. Kung may gusto ka talagang gawin, gawin mo na. Ngayon. :)


Please visit our store! :)